Nagdeklara ng pansamantalang tigil-putukan ang NPA o New People’s Army (NPA) sa mga lugar na naapektuhan ng 6.7 magnitude ng lindol.
Nagsimula ang temporary ceasefire ng NPA sa Surigao del Norte at ilang bayan ng Agusan del Norte bandang alas-11:55 ng gabi noong Pebrero 11 at magtatapos sa parehong oras sa Pebrero 20.
Nagpahayag ng pag-asa ang pamunuan ng npa na magdedeklara rin ng sariling ceasefire ang mga sundalo upang mabigyang daan ang mas mabilis na pagdadala ng tulong sa mga lugar na apektado ng lindol.
Una rito, umapela sa npa ang militar na huwag atakehin ang mga sundalong naghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng lindol.
By Len Aguirre
Photo Credit: CPP website