Nanghihikayat na ang NPA o New People’s Army ng mga kabataang nasa sekondarya para maging miyembro ng hukbong rebolusyonaryo.
Ito ang ibinunyag ng Cotabato Police Provincial Office kasunod ng balitang nagpapalakas na ng puwersa ang mga rebelde sa Mindanao.
Ayon kay Supt. Emmanuel Peralta, direktor ng Cotabato Provincial Police, nagsasagawa na sila ng education at information campaign upang maharang ang hakbang ng mga maka-kaliwang grupo.
Sa ngayon ayon kay Peralta, nakapasok na ang mga komunista sa unang distrito ng lalawigan na kinabibilangan ng mga bayan ng Pikit, Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap at Aleosan.
By Jaymark Dagala