Nagbanta umano ang New People’s Army o NPA na susunugin ang mga kagamitan ng isang construction company sa Cagayan kung hindi magbabayad ng revolutionary tax.
Ayon kay Santo Niño Police Station Police Acting Chief Inspector Mario Catubag, aabot sa P1.5-M ang tangkang kolektahin umano ng NPA sa isang construction company na nakabase sa Santo Niño, Cagayan.
Nagtungo, aniya, ang isang inhinyero sa kanilang himpilan at isinumbong na kinuha ng mga miyembro ng NPA ang mga susi ng mga heavy equipment sa kanilang kumpanya.
Nagbanta raw ang mga rebelde na susunugin ang mga kagamitan kung hindi ibibigay ng kumpanya ang hinihingi nilang halaga.
Samantala, inilipat na ng mga otoridad ang mga construction equipment upang matiyak na hindi na mangyayari ang bantang panununog ng NPA.
By Avee Devierte |With Report from Edmund Pancha