Nangunguna pa rin ang New People’s Army (NPA) sa mga banta sa darating na presidential elections sa Mayo.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP)-Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, malaking banta sa seguridad at kapayapaan ang naturang rebeldeng grupo lalo’t nakakalat ang mga ito sa buong bansa.
Aniya, ngayon pa lamang ay marami na silang natatanggap na sumbong laban sa npa sa paghinge ng mga ito ng extortion kapalit ng permit to campaign.
By Rianne Briones