Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkuwentro ng militar sa Brgy. Cabas – An, bayan ng Aroroy, lalawigan ng Masbate.
Ayon kay LTC. Siegred Awichen, commander ng Army’s 2nd Infantry Battalion, nagsasagawa ng follow up operation ang militar kasunod ng pagpatay sa isang konsehal at barangay tanod sa lugar nang mangyari ang insidente.
Isa ang nalagas sa hanay ng mga kalaban habang wala namang nasawi o nasugatan sa panig ng mga tropa ng pamahalaan.
Nakuha mula sa pinangyarihan ng engkuwentro ang nasa dalawang M-16 rifles, anti-personel mines, mga medical paraphernalia, propaganda materials at iba pang personal na gamit.