Patay ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) matapos maka-engkwentro ng militar sa bayan ng Amai Manabilang, Lanao del Sur.
Ayon kay Maj. Alex Mindalano, Tagapagsalita ng AFP- Eastern Mindanao coMmand (AFP) Eastmincom, nasa gitna ng operasyon ang 1st Special Forces Battalion nang makasagupa ang nasa 50 rebelde.
Tumagal anya ng 3 oras ang bakbakan na nagresulta sa pagkasawi ng isang miyembro ng CPP-NPA.
Narekober sa encounter site ang isang M60 machine gun, M4, M16, M14 at M1 grand rifles at iba pang materials.
Samantala, nanawagan naman si AFP Eastmincom Commander, Lt. Gen. Greg Almerol sa mga nalalabing rebelde na magbalik-loob at tanggapin na ang alok na tulong ng gobyerno. —sa panulat ni Mara Valle