Pagpupulungan ngayon ng security cluster ng gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte ang peacetalks sa CPP-NDF.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, bubuo sila ng consensus na ilalatag nila sa Pangulo kung dapat o hindi dapat ituloy ang August 20 peacetalks sa CPP-NDF.
Hindi itinago ni Dureza ang panghihinayang sa progreso na sana ng kanilang pakikipag-usap sa komunistang grupo.
Sa August 20 sana anya ay pag-uusapan na nila ang bilateral ceasefire na ipatutupad habang isinasagawa ang peacetalks.
Upang mapatatag ito ay nauna nang magdeklara ang Pangulo ng unilateral ceasefire subalit nagsagawa ng ambush na pumatay sa isang CAFGU ang NPA.
Naging ugat ito upang bawiin ng Pangulo ang ceasefire matapos na mabigo ang CPP-NDF na magpaliwanag at magdeklara rin ng sarili nilang ceasefire.
Samantala, aminado naman si Dureza na masyadong pinersonal na ni CPP-NPA Founder Joma Sison ang naging pasya ni Pangulong Duterte.
Bahagi ng pahayag ni Secretary Jesus Dureza
By Len Aguirre | Jelbert Perdez | Ratsada Balita