Pinabulaanan ng New People’s Army na gumawa ng extrajudicial killings ang ilang rebelde bilang bahagi ng DDS o Davao Death Squad.
Ito’y kasunod ng isiniwalat ni retired SPO3 Arturo Lascañas na siya, kasama ang ilang pulis at rebel returnees ay binayaran ni dating Davao City Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang mga kriminal at mga kalaban sa pulitika.
Subalit, giit ng Melito Glor Command ng NPA, wala silang ibang sinusunod kundi ang mga kumander alinsunod naman sa utos ng partido komunista.
By: Jelbert Perdez