Nagdeklara ng isang linggong ceasefire ang New People’s Army (NPA) sa Bicol kasunod ng pananalasa ng bagyong Tisoy.
Ayon kay NPA Bicol spokesperson Raymunod Buenfuerza, layon nitong bigyang daan ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo.
Nanawagan pa ang opisyal sa kanilang mga miyembro na makiisa at mag bigay ng donasyon para sa mga sinalanta ng bagyo.
Magsisimula ang ceasefire ngayong araw, Disyembre 6, hanggang sa 11: 59 pm ng Disyembre 12.
Pagkatapos nito, anomang opensiba ng militar ay kanilang tutugunan.