Naging sunod-sunod na ang pagkatalo ng New People’s Army (NPA) matapos ang inilunsad na all out war ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ay matapos na bawiin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag – usad ng usaping pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, bukod sa pagkamatay ng maraming rebelde ay humihina na rin ang pagsuporta ng mga tao sa nasabing grupo.
Sa kabila ng patuloy na pakiusap ng CPP – NDF na ituloy ang peace talks ay malinaw naman na hindi na kontrolado ang pagkilos ng mga miyembro nito sa ground.
Sa ngayon ay naiipit na lamang ang mga rebelde sa pag-atake sa mga sibilyan o kaya naman ay tuluyang pagsuko sa gobyerno.
By Rianne Briones