Sinibak sa puwesto ang hepe ng Daraga, Albay Municipal Police Station kasunod ng nangyaring pananambang kay AKO-Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at sa bodyguard nito.
Ayon kay Police Regional Office 5 Director Chief Superintendent Arnel Escobal, ipinag-utos agad niya ang pagsibak kay Supt. Benito Dipad Jr bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon.
Mariing kinondena naman ni Escobal ang sinapit nila Batocabe at SPO1 Orlando Diaz at umaasa siyang wala nang susunod pa na mapapatay.
Kasunod niyan, pansamantalang uupo bilang hepe ng Daraga PNP si Supt. Dennis Balla habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Naniniwala naman si Escobal na hindi droga ang dahilan ng pagkakapatay sa dalawa pero posible aniyang pulitika at NPA o New People’s Army ang nasa likod ng naturang krimen.
—-