Aabot na sa 62 terroristic attacks ang inilunsad ng New People’s Army simula pa noong Enero.
Ito, ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, ay kahit pa may isinasagawang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF-CPP-NPA na kalauna’y ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanawagan naman si Arevalo sa NPA na magpakita ng sinseridad upang maipagpatuloy ang peace negotiations sa pamamagitan ng pagtigil sa kanilang terroristic activities kabilang ang pagdukot, panununog, pangingikil at pananambang.
Kahit anya ini-anunsyo noong isang linggo ng pamahalaan at komunistang grupo na magpapatuloy ang usapang pangkapayapaan, nagpatuloy pa rin ang NPA sa mga pag-atake lalo sa Mindanao.
Samantala, tiniyak ng AFP na tuloy ang kanilang combat operations laban sa mga rebelde kahit may peace talks at hangga’t hindi sila nakatatanggap ng kautusan mula sa Pangulo.
By: Drew Nacino