Sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ng National Press Club (NPC) si SPO1 Manuel Layson, ang pulis Marikina na umano’y nang harass at nanakit sa DZRH reporter na si Edmar Estabillo.
Sinabi ni National Press Club President Joel Egco na maliwanag na pag-abuso sa kapangyarihan, pagiging arogante at kayabangan ang ipinakita ni Layson kay Estabillo.
“Administratibo at criminal charges ang isasampa natin sa doon pulis na nabalita at sa iba pa niyang kasama na nandoon lang din, nanonood lang, nakangiti pa yung isa, i-identify din natin yung isang tatawa-tawa pa.” Ani Egco.
Samanatala ipinag-utos na ni Eastern Police District (EPD) Director Elmer Jamias ang pagsibak sa pwesto kay SPO2 Manuel Layson.
Ayon kay Jamias, didis-armahan muna si Layson at ipatatawag sa EPD Headquarters habang iniimbestigahan ang insidente.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas