Kinondena ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang ‘flagging’ ng Facebook at ‘Fact checkers’ nito sa halos lahat ng public platforms.
Ayon kay NPC President Paul M. Gutierrez, ipinakita ng Facebook sa mga Pilipino na ito ang ‘Lord of the Realm of Social Media’ sa pagbibigay-babala sa official public platforms gaya ng Philippine News Agency (PNA).
Suportado naman ng publiko at mga kapwa nasa gobyerno ang krititsismo ng NPC sa social media site.
Samantala, hinikayat naman ni Gutierrez ang mga Pilipino na huwag hayaang diktahan ng foreign entities dahil ito ay uri ng pasismo at hindi nagbibigay demokrasya.