Mahigpit na binabantayan ng National Privacy Commission (NPC) ang bantang panghahack sa impormasyon ng Facebook users na naka-kolekta sa iba pang social media sites.
Ayon kay NPC chairman Raymund Liboro, puwedeng magamit sa iligal ang mga impormasyong mananakaw sa nakalipas na insidente ng data breaching tulad ng mga pribadong larawan, posts at maging ang detalye ng bank accounts.
Maaari rin aniyang mabuksan ng hackers ang impormasyon ng iba pang social media accounts ng isang user tulad ng Instagram at twitter kung naka konekta ito sa kaniyang FB account.
Magugunitang inihayag ng Facebook management ang 50 milyong users sa buong mundo na naapektuhan ng naturang data breaching kabilang ang ilang milyong Pilipino.