Inihirit ng National Press Club kay Incoming President Rodrigo Duterte na palitan si Atty. Salvador Panelo bilang Presidential Spokesman.
Ayon sa NPC, dapat mabatid ni incoming Pres. Duterte na si Atty. Panelo ay abogado ng mga Ampatuan na mga suspek sa 2009 Maguindanao Massacre.
Bagama’t opisyal nang nagbitiw bilang abogado ng mga Ampatuan si Atty. Panelo, hindi pa rin anila maaalis ang pagiging malapit niya sa pamilya ng mga akusado sa Maguindanao Massacre.
Inihayag ng NPC na magsasagawa sila signature campaign laban sa pagiging Presidential Spokesman ng nasabing abogado.
Balak din nilang magpaskil ng isang malaking tarpaulin sa gusali ng NPC kung saan nakasaad ang mga katagang “Mr. President, anybody but Panelo”.
By: Meann Tanbio