Ipinagbabawal sa batas ang pag-post ng mga larawan at pangalan ng mga mag-aaral nang walang pahintulot.
Ayon iyan sa National Privacy Commission (NPC).
Ginamit pa ng NPC ang sikat na meme nila Karen Davila at Lyca Gairanod bilang paalala sa digital privacy sa kabila ng online learning.
Sa bersyon ng NPC sa meme. si Davila ang naging guro na nag-post ng screenshots ng kanilang online classes habang si Gairanod naman ang gumanap na estudyante na hindi nagbigay ng anumang pahintulot.
Ayon pa sa NPC, kinakailangan ng consent ng isang mag-aaral at guro ang pagkuha ng kopya ng mga klase.
Hinikayat naman ng NPC ang mga paaralan na gumawa ng mahigpit na social media policy para sa mga guro at kawani nito. —sa panulat ni Rex Espiritu