Nagpalabas ng “do’s and don’ts” ang National Privacy Commission (NPC) na maaaring magsilbing gabay ng mga estudyante sa K-12 hanggang kolehiyo, magulang, guardians, guro at paaralan kaugnay sa online learning.
Pinayuhan ng NPC ang mga mag-aaral na gumawa ng matibay na passwords sa APG sign up sa e-learning platforms at ang password ay dapat na hindi bababa sa 12 characters, may upper at lower case letters, numbers at gamitan din ng symbols.
Maging alerto sa panahon ng online classes lalo na sa pagbabahagi ng mga video, larawan at files at gumamit ng customized backgrounds para maiwasan ang aksidenteng disclosure ng personal information.
Payo pa ng NPA, dapat mag-install at regular na mag-update ng anti-virus program, pag-mute ng microphone at pag-off ng camera kapag hindi nagsasalita o nagre-recite, gayundin ay kung aalis sa desk o lamesa.
Nagpalabas din ang NPC ng mga payo sa magulang o guardians kung paano nila matutulungan na protektahan online ang kanilang mga anak.
Pinaiiwas naman ng NPC ang mga guro sa pagpo-post ng anunsyo na naglalaman ng personal na data ng mga estudyante.