Nais ring marinig ng National Privacy Commission (NPC) ang panig ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa isyu ng “profiling” ng police intelligence officers sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liborio, ang pagproseso ng mga personal na detalye ng isang indibidwal ay may kaakibat na legal na motibo.
Bukod dito, dapat din aniya na alinsunod sa mga karapatang pantao partikular na sa “right to infomation privacy.”
Una rito, ibinunyag ng ACT na may mga pulis na nangangalap ng impormasyon ukol sa kanilang mga miyembro na itinanggi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na may utos siya ukol dito.