Nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang mga senador sa naulila ng business tycoon at Nationalist People’s Coalition (NPC) founder at chairman Emeritus Eduardo Danding Cojuangco Jr.
Para kay Senate President Vicente Sotto III, may malaking puwang na nawala sa kaniyang puso nang pumanaw ang kanilang NPC chairman.
Kasabay nito, tiniyak ni Sotto na magpapatuloy ang legasiya at vision ng kanilang itinuturing na big boss.
Ikinalulungkot din ng kapwa nila NPC member na si Senador Sherwin Gatchalian ang pagpanaw ng itinuturing nilang mentor noong nagsisimula pa lamang siya bilang public servant.
Hindi naman malilimutan ni Senador Lito Lapid ang kaniyang tinatanaw na utang na loob.
Binigyang kilala naman ni Senadora Grace Poe ang pagsisikap ni Cojuangco ng paraan para mapayabong ang mga komunidad at makapagbukas ng mga opurtunidad para sa mga Pilipino.