Sinimulan na ng National Privacy Commission ang imbestigasyon sa nangyaring passport data breach o pagkawala ng mga datos ng DFA o Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro, unang-una ay nais nilang malaman ang katotohanan sa likod ng nangyaring pagkawala ng mga datos.
Hangad din anya nilang magkaroong linaw ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin kaugnay sa tumakas na passport kontraktor ng ahensya.
Dagdag pa nito, kailangan muna nilang marinig ang panig ng mga nasasangkot sa naturang isyu ngunit pangunahin anya nilang nais pakalmahin at bigyang linaw sa nangyari ay ang taong bayan.
“At this point, kailangan po nating marinig yung lahat ng panig dito pero ultimately, ang gusto ho nating talagang bigyang klaro ay makalma ang taong bayan, kung ano man ang nangyari sa kanilang mga datos at mga dokumento na ipinagkatiwala sa lahat po ng ahensya na nag process po nito.”
(From Balitang Todong Lakas interview)