Itinuturing ng National Press Club ng isang paraan ng pagsupil sa malayang pamamahayag ang naging kapasyahan ni incoming President Rodrigo Duterte.
Ito’y kasunod ng ipinalabas na pahayag ni Duterte na hindi na siya magpapaunlak ng panayam sa media bagkus, ipararaan na lamang niya sa government station na PTV 4 ang kaniyang mga mensahe
Ayon kay NPC President Paul Gutierrez, nakikita niyang simpleng paraan ito ng susunod na Pangulo na boykotin ang media matapos siyang umani ng batikos sa mga naunang media briefing na kaniyang isinagawa.
Magugunitang lumikha ng samu’t-saring reaksyon mula sa publiko ang pagkasa ni Duterte sa hamon ng International Journalist Group na pagboykot sa kaniya ng media gayundin ang ginawa nitong catcalling sa isang babaeng TV Reporter.
By: Jaymark Dagala