Magkakaroon ng negatibong kahihinatnan ang pagpili ni President-elect Rodrigo Duterte na padaanin na lamang sa gobyernong telebisyon na PTV 4 ang kanyang mga mensahe sa halip na magpatawag ng mga press con.
Ito ang sinabi ni National Press Club President Paul Gutierrez.
Aniya, nangangahulugan ang naturang hakbang ni Duterte ng pagsupil sa malayang pamamamahayag.
Naniniwala si Gutierrez na ito ang simpleng paraan ni Duterte upang boykotin ang media.
Una nang ipinatigil ng incoming President ang mga press conference makaraang umani ito ng kaliwa’t kanang batikos sa kanyang pakikitungo sa media.
By: Avee Devierte