Walang ibablacklist na Chinese company ang National Privacy Commission (NPC) hangga’t walang patunay na may panganib na dala ang mga ito sa mga Pilipino.
Ayon kay NPC Commissioner Ramon Liboro, dapat munang makita ang technical reports ng ibang bansa hinggil sa umano’y panganib ng teknolohiya mula sa Chinese firms.
Sa gitna na rin ito nang ipinatutupad ng Amerika laban sa Huawei at mga report na posible ring ma blacklist ang Hikvision na isang surveillance equipment manufacturer.
Iginiit ng NPC na ang mga kumpanyang pumapasok sa bansa ay sakop ng Data Privacy Act.
Nanindigan ang Amerika na may dalang security risk ang Huawei kaya’t hinimok nito ang iba pang bansa na huwag nang gumamit ng equipment ng Chinese giant.
Pinutol na rin ng Google at iba pang tech firms ang business agreements nito sa Huawei.
Huawei maliit lamang ang posibleng epekto sa telecommunications industry
Maliit lamang ang posibleng epekto sa telecommunications industry ng bansa ang bansa ng Amerika sa Chinese company na Huawei.
Ayon ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos patawan ng Amerika ng trade restrictions ang Huawei dahil sa umano’y spying activities.
Sinabi ng DICT na dahil sa isyu ng Huawei nag anunsyo na ang local telcos na gagawa sila ng hakbang para hindi ito makaapekto sa kanilang operasyon.
Sa isyu ng cyber security minomonitor ng mga telco sa bansa ang kanilang network at hanggang ngayon ay walang insidente ng national security breach sa kanilang network na gumagamit ng Huawei.
Patuloy namang o obligahin ng DICT ang telcos na bantayan ang kanilang network at tiyakin sa gobyerno na hindi makukumpromiso ang kanilang operasyon kundi ay maaari silang mawalan ng lisensyang makapag-operate.