Sinibak sa puwesto ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa ang hepe ng NPD Northern Police District na si Chief Supt Robert Fajardo.
Ito ayon kay Bato ay dahil na rin sa command responsibility sa pagkamatay ng 17 anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
Sinabi ni Bato na layon din ng hakbang na bigyang daan ang patas na imbestigasyon sa anti drug operation sa Caloocan City na ikinasawi ni Kian.
Si Fajardo ay mananatili muna sa personnel holding and accounting unit ng PNP sa Camp Crame.
Ipinabatid naman ni NCRPO Director Oscar Albayalde na si Chief Supt Amando Clifton Empiso muna ang acting NPD Chief.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
SMW: RPE