Hiniling ng NPDC o National Parks Development Committee sa developer ng kontrobersyal na Torre de Manila na mapanatili ang panoramic view ng monumento ni Gat Jose Rizal.
Sa ipinadalang liham, hiniling ni NPDC Executive Director Penelope Belmonte sa DNCI na ayusin ang hitsura ng Torre de Manila upang hindi makasira sa monumento ng pambansang bayani.
Aminado si Belmonte na nalulungkot siya sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa DMCI na ituloy ang konstruksyon ng Torre de Manila, ngunit wala na aniyang magagawa kundi sundin ang nasabing ruling.
Nakasaad din sa liham ni Belmonte na maging ang mga dayuhang bumibisita sa Rizal Park partikular ang mga head of states ay napapansin din ang idinulot na destruction ng Torre de Manila sa inaasahang malinis na papawirin sa likod ng bantayog ni Dr. Rizal.
By: Meann Tanbio