Nanawagan sa publiko ang National Patient Navigation and Referral Center (NPNRC), dating One Health Command Center na iwasang tumawag sa kanilang hotline numbers para lamang mang-prank.
Ayon kay NPNRC operations manager Bernadette Velasco, inirereserba nila ang mga numero para sa nangangailangan ng medical assistance.
Nilinaw naman niya na nakatatanggap pa rin ang NPNRC ng COVID-related calls.
Samantala, naitala sa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming bilang ng tawag na natatanggap ng naturang center.