Pananagutin ng Commission on Elections o COMELEC ang National Printing Office o NPO sa oras na mapatunayang pina-subcontract nito sa isang pribadong kumpanya ang pag iimprenta sa Voters’ Information Sheet o VIS para sa katatapos na halalan.
Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang paliwanag ng NPO kaugnay sa nasabing isyu.
Ngunit aniya tiyak na mananagot ang NPO kung sakaling mapatunayan dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng Commission on Audit o COA.
Dagdag pa ni Guanzon, mismong siya ay nagalit nang malamang ipina subcontract umano ng NPO sa Holy Family Printing Press ang pag imprenta ng VIS.
Dapat din umanong managot ito dahil sa mali-mali ang inimprentang dokumento.