Nilinaw ng National Security Council na may karapatan at kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpalit ng mga miyembro ng National Security Council kung kailan nito gusto.
Ito, ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa gitna ng mga kuwestiyon ng mga kritiko sa inilabas na Executive Order no. 81 ng Pangulo na nag-aalis kay Vice President Sara Duterte at dalawang dating Pangulo sa komposisyon ng NSC.
Ayon kay Gen. Malaya, discretion ng Presidente na magpalit ng mga miyembro ng NSC gaya ng ginawa ng ibang dating mga Pangulo ng bansa.
Wala aniyang kinalaman ang isyu sa China sa inilabas na kautusan ni PBBM dahil ang desisyon ay sarili nitong pagpapasya.
Sa nasabing EO no. 81 na pirmado ng Presidente na mahalagang masiguro ng mga miyembro ng council na mapanindigan at maprotektahan ang soberanya at pambansang seguridad ng bansa. – Sa panulat ni Jeraline Doinog