Mabibiyayaan ang aabot sa 822 na mga Barangay na napalaya na sa impluwensya ng CPP-NPA sa halos P16.44B ilalaang pondo na nasa ilalim ng Barangay Development Program.
Ayon kay Secretary Hermogenes Esperon Jr., National Security Adviser, ang mga naturang barangay ay pawang mga naging target ng operasyon ng militar dahil sa naging impluwensya ng komunistang grupo.
Pagdidiin pa ni Esperon, kinakailangang matutukan ng pamahalaan ang mga nasabing barangay para hindi na muling maimpluwensyaha ng mga miyembro ng CPP-NPA.
Kasabay nito, ibinunyag din ng opisyal na ang mga barangay na napawalan na nila ng koneksyon sa rebeldeng grupo, ay nagawan muling maimpluwensyahan nito.
Ilalabas din ani Esperon, ang listahan ng mga barangay na magiging benepisyaryo ng naturang programa
Kabilang sa mga nakalinyang programa mula sa nasabing pondo ay ang farm to market roads, school buildings, water irrigation, health station, forest protection.