Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang agarang tulong na ipapadala ng National Tobacco Administration (NTA) sa mga tobacco farmers na nasira ang pananim dahil sa malawakang pagbaha sa Northern Luzon.
Ayon kay NTA Administrator Robert Victor Seares Jr., nagsagawa na sila ng assesment batay sa mga larawang ipinadala galing sa sakahan sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Abra.
Karamihan sa mga nasira ay yung mga iha-harvest na pananim.
Batay sa datos, tinatayang aabot sa 1,206 ektarya ng tobacco farms ang nasira ng tatlong araw na sunod-sunod na pag-ulan na nagkakahalaga ng P77M. —sa panulat ni Abigail Malanday