Hinimok ni Senator Grace Poe ang National Telecommunications Commission (NTC) na madaliin ang imbestigasyon hinggil sa paggamit ng emergency alert text sa campaign materials ng Gobyerno.
Bukod dito, pinagpapaliwanag rin ni Poe ang mga telecommunication companies sa kung paano naipahatid ang mensahe ukol sa isang kandidato sa pamamagitan nito.
Ipinabatid ni Poe, na isinabatas ang Free Mobile Disaster Alerts Act upang protektahan ang publiko sa pamamagitan ng maagang babala dulot ng mga sakuna sa bansa.
Aniya, ang naturang emergency text alert ay para makapagligtas ng buhay kaya dapat hindi ito ginagamit sa maling paraan na makapaglalagay sa kapahamakan ng mamamayan.