Hinimok ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko na isumbong ang mga natatanggap na scam text messages.
Ayon sa NTC, maaaring magreklamo sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa kontratextscam@ntc.gov.ph at ilagay ang kanilang kumpletong pangalan, address, email at contact number.
Maliban sa mahahalagang impormasyon ay isama rin umano sa ipadadalang email ay ang screenshot ng text scam message, numero ng nagpadala ng mensahe at larawan ng kahit anong government-issued ID.
Maliban sa pagpapadala ng email ay maaari rin umanong bumisita sa website ng ahensya upang magpasa ng complaint form.