Inalerto ng National Telecommunication Commission o NTC ang lahat ng regional directors ng ahensya para matiyak ang maayos na signal sa panahon ng Undas 2017.
Pinagko-coordinate ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang kanilang regional directors sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, Civil Action at amateur groups na maglunsad ng assistance operations sa kani-kanilang hurisdiksyon.
Sinabi ni Cordoba na dapat ding alamin ng NTC regional directors kung anong tulong ang puwedeng maibigay ng ahensya para higit na maging epektibo ang assistance operations.
Tiniyak ni Cordoba na handa silang magbigay ng pansamantalang permit at lisensya sa communications groups na mangangailangan nito para maging mas malawak ang assistance operations lalo na para sa mga umuwi sa mga lalawigan.
Pinababantayan din aniya ni Cordoba sa kaniyang mga tauhan ang operasyon ng civic at amateur radio groups sa kanilang nasasakupan.