Inamin ng National Telecommunications Commission (NTC) na mahihirapang ma-trace kung sino ang nasa likod ng pagdagsa ng phishing text messages dahil mga prepaid na numero ang ginamit ng mga salarin.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, ang ginamit na numero ay prepaid kung saan ito ay hindi rehistrado, ‘di tulad aniya ng postpaid na numero na mayroong database ng mga kliyente ang mga telecommunication firm.
Dagdag pa ni Cabarios, kailagangan ng mandatory sim card registration upang mapigilan ang mga text scam at iba pang cybercrimes.
Suportado aniya ng NTC ang pagpaparehistro ng mga sim card noon paman na may dalawang milyong subscribers lamang ang bansa.
Una nang nagpahayag ang national privacy commission ukol sa mga natatanggap na spam text messages ng publiko mula sa mga ‘di kilalang numero.—sa panulat ni Airiam Sancho