Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga tagagawa, distributor at dealer ng selpon na turuan ang mga user sa paggamit ng spam blocking abilities ng mga device kontra SMS scam.
Sa ilalim ng Memorandum Order no. 006-09-2022 ng NTC, kailangang magbigay ng impormasyon sa paggamit ng blocking features at maglagay ng mga posters sa physical stores kung paano gamitin ang text blocking at spam folder.
Sa isinagawang pagpupulong ng NTC at mga kinatawan ng mga mobile phone makers, sinabi ng ahensya ay may 15 araw lang ang phone dealers para sumunod sa naturang memo.
Una rito, may naiulat nang ginagamit ng mga scammers ang pagti-text para makuha ang mahalagang impormasyon ng mga users na maaaring gamitin sa pagbukas ng mahahalaga nilang accounts. – sa panulat ni Hannah Oledan