Ipapatawag ng house committee on legislative franchises ang National Telecommunications Commission (NTC) matapos itong mag isyu ng cease and desist order sa ABS-CBN.
Sinabi ni Committee Chair Franz Alvarez na pagpapaliwanagin nila sa pagdinig na gagawin sa lalong madaling panahon ang mga opisyal ng NTC dahil sa tila panghihimasok sa trabaho ng kongreso.
Magpapalabas din aniya sila ng show cause order laban sa NTC kung bakit hindi kailangang i-cite for contempt dahil sa kanilang naging aksyon.
Masama aniya ang timing ng kautusan ng NTC na nakadagdag pa sa problema ng bansa sa COVID-19.
Inamin ni Alvarez na nagulat ang komite sa naging hakbang ng NTC na una nang nangakong magpapalabas ng provisional authority base sa naging pasya ng Korte Suprema.