Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication company (Telcos) na magbigay ng libreng tawag at maglagay ng charging stations sa mga lugar na daraanan ng paparating na bagyo.
Sa Memorandum Order No. 05-04-2011, binigyan ng direktiba ng NTC ang mga telco entities na maghanda sa pagdating ng bagyong Odette at tiyakin na hindi magkakaroon ng malaking aberya sa mga maaapektuhang lugar.
Sinabi pa ng NTC na dapat tiyakin ng telco providers ang sapat na bilang ng technical at support personnel at may naka-standby na generators.
Maliban dito, pinabibilisan din ng NTC sa telcos ang repair at restoration ng kanilang telecommunication services.