Inutusan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang 3 pangunahing telco sa bansa na i-deactivate ang mga naki-click na URL o mga link sa mga malicious site na nilalaman ng mga text message sa gitna ng pagtaas ng mga SMS-based na scam.
Kabilang dito ang Globe Telecoms, Inc., Smart Communications, Inc. at Dito Telecommunity Corporation.
Ayon sa NTC, dapat i-block ng mga telco ang domain, URLs, links o QR codes mula sa mga fraudulent sites batay sa umiiral na database na nakolekta mula sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng NTC, national Privacy Commission, Department of Trade and Industry, PNP at mga report na mula sa machine learning o artificial intelligence.
Nabatid na ikinabahala ng publiko ang mga kumakalat na personalized text messages na naglalaman ng kanilang pangalan.