Ipinag-utos ng National Telecommunications Comission (NTC) sa lahat ng regional office nito na tumulong sa mga ahensya ng gobyerno para sa paggunita ng Holy Week.
Batay sa inilabas na memorandum order ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, inatasan lahat ng Regional Directors na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs), Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs) para sa kani-kanilang public assistance operations ngayong Semana Santa.
Kasama sa pinatutukoy ng NTC sa mga regional directors nito ang tulong na maaaring ibigay ng ahensya sa pagbibigay ng temporary permits and licenses.
Bukod dito, inatasan din ang mga regional office na i-monitor ang operasyon ng mga CAGs at RAGs sa kani-kanilang nasasakupang lugar.