Muling tumangggap ng pagkilala ang National Telecommunications Commission (NTC) sa ika-anim na sunod na taon sa idinaos na seremonya para sa 2023 Freedom of Information (FOI) Awards.
Nabatid na ang pagkilala ay iginawad ng Presidential Communications Office (PCO) sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO).
Sinasabing kinilala ang NTC bilang Top Requested and Performing Agency sa eFOI Portal na mayroong 500 hanggang 999 requests at nakapagtala ng at least 90% closed transactions.
Ito na ang ikaanim na sunod na taon na ang NTC ay tumanggap ng pagkilala mula sa PCO para sa FOI Program ng komisyon.
Ang parangal ay tinanggap nina NTC Deputy Commissioner Alvin Bernard Blanco at FOI Officer Divina Daquioag.
Pahayag ni Blanco, patuloy na tutugon ang NTC sa prinsipyo na itinatakda ng FOI Program para manatiling transparent at mabilis sa pagseserbisyo sa publiko.