Nakasalalay sa audit ng National Telecommunications Commission (NTC) kung ituturing na paglabag sa kontrata ang kabiguan ng Dito Telecoms na masunod ang kanilang commitment matapos mapili bilang ikatlong telco sa bansa.
Matatandaan na inihayag ng Dito na hindi nila kakayanin ang July 8 deadline para sa pagtatayo ng 1,600 cell towers na tulad ng nasasaad sa kanilang kontrata.
Ayon kay dating DICT Usec. Eliseo Rio, mayroon namang anim na buwang grace period na nakasaad sa kontrata ng dito, kaya’t meron pa silang hanggang Disyembre para makasunod sa kanilang commitment.
Sa ilalim ng commitment ng dito, kailangan ay mayroon na silang 27 mbps at masasakop na nila ang 37% ng populasyon pagsapit ng July 8.
Mapo-forfeit lang yan kapag hindi natupad by February 8 or 7 by 2021 pero yun nga pwede pa rin sila siguro kasi dapat strike 1 na yan, well ang mag-ano niyan is of course NTC, ang magde-decide dahil may pandemic tayo wala munang strike one,” ani Rio. — panayam mula sa Ratsada Balita.