Nagbabala sa publiko ang National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa kumakalat na text scam na nag-aalok ng trabaho at may pangakong malaking suweldo.
Ayon sa NTC, hindi dapat magbigay ng kahit anong personal information ang sino mang makakatanggap ng text mula sa mga scammer.
Sinabi ng NTC sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga nag-aalok ng trabaho; mga nag-tetext na nanalo sa isang contest o paraffle; at mga text na nagbabanta at nanghihingi ng ransom money dahil karamihan sa mga ito ay hindi totoo.
Nagpaalala din ang NTC na sakaling makatanggap ng kahalintulad na text message, agad itong ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.