Nagbabala sa publiko ang National Telecommunications Commission laban sa mga magtatangkang sumalisi sa nagpapatuloy na sim card registration na sinimulan kahapon, December 27.
Ayon sa NTC, kailangang maging maingat ang publiko o ang mga subcriber at maging alerto sa bawat mga source o mga link na gagamitin sa pag-rerehistro ng mga sim card.
Sinabi ng ahensya na para makasiguro, hindi na gagamit ng 11-digit numbers ang telcos para sa pagpapadala ng mensahe sa mga subscriber kung saan, magiging computer generated system na lamang ito.
Bukod pa dito, maaari ding magparehistro sa website at mobile app ng mga telco ang mga sim card users.
Layunin nitong matiyak ang seguridad ng mga sim card registrants kung saan, maaaring pumunta sa mga service center upang i-verify kung lehitimo ang mga matatanggap na mensahe.