Nakiki-simpatiya ang National Telecommunications Commission (NTC) sa nangyaring pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN.
Ito ang mensahe ng NTC para sa mga empleyado ng ABS-CBN at mga taga suporta nito.
Ngunit ayon kay NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, nalulungkot man sila sa nangyari, kailangan nilang sumunod sa batas ngayong napaso na ang prangkisa ng media network.
Sinabi ni Cabarios na maging sila ay nais nilang makitang nagpapatuloy ang operasyon ng ABS-CBN ngunit aniya kailangan nilang panindigan ang mga hakbang na dapat gawin ngayong walang dahilan para magpatuloy ang operasyon ng ABS-CBN dahil sa isyu nito sa prangkisa.
Nagpalabas ang NTC ng cease and desist order laban sa ABS-CBN at sa mga radio broadcast nito matapos ma expire ang prangkisa nito nuong Mayo 4.