Kinilala ng National Police Commission o NAPOLCOM ang naging ambag ng National Telecommunications Commission o NTC para sa pagpapanatili ng Kapayapaan at Kaayusan sa bansa.
Ayon sa NAPOLCOM, maliban sa paghahatid ng mga abiso, paalala at babala sa publiko, nakuha rin ng NTC ang pulso ng mamamayan sa mga bagong patakaran na ipinatutupad ngayong panahon ng pandemiya.
Kabilang sa mga ito ang survey ng NTC tungkol sa pagpapatupad ng checkpoint sa panahon ng Community Quarantine at ang pananaw ng mga Pilipino sa community safety.
Ayon ay NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Vitaliano Aguirre II, napakalaking bagay aniya sa panahong ito ang pagpapakalat ng mga makabuluhang impormasyon na makasasagip ng buhay at pakikinabangan ng maraming Pilipino