Inihayag ng isang senador na dapat sagutin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang alegasyon ng isang it advocacy group hinggil sa technical audit ng DITO Telecommunity.
Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, matapos na aprubahan ng komite ng Senado ang franchise renewal ng naturang telco kahit pa umano’y depektibo ang unang network audit na pinangunahan ng democracy.net.ph nitong nakaraang pebrero.
Mababatid na sa isinagawang pagdinig ng Senado, sinabi ni Pierre Galla, co-founder ng democracy.net.ph, na pinayagan ng ntc ang sampling ng limitadong bilang ng mga barangay na layong matukoy kung nakatugon ba ang DITO telco sa kanilang first year commitment sa pamahalaan.
Giit ni Galla, sa halip na i-test ang nasa higit 8,800 na mga barangay para mapatunayang natupad ng dito ang kanilang pangako na ma-cover ang 37% ng populasyon sa bansa, tanging 2,671 na mga barangay lamang ang pinayagan ng NTC.
Dagdag pa ni galla, ang field test ay isinasagawa rin sa 200 cell sites mula sa 1,602 active sites ng DITO telco.
Magugunitang nauna nang sinabi ni Senadora Grace Poe, chair ng public services committee ng Senado na iginawad sa DITO telco — na itinuturing na third telco ng bansa dahil lumabas anito sa pagsusuri na may kakayahan itong makipagsabayan sa higanteng telco sa players sa bansa.