Mariing inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na bilisan ang pagkukumpuni at pagbabalik ng kanilang serbisyo sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng lindol sa Abra.
Maliban dito, pinatitiyak din ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na dapat ay mayroong sapat na technical at support personnel at standby generators na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga apektadong lugar.
Ayon sa NTC, inaasahan nito mula sa telcos ang kanilang status updates sa restoration activities sa kanilang network at facilities, at timeline para sa full restoration ng kanilang serbisyo sa mga nasabing lugar.