Walang kapangyarihan ang National Telecommunications Commission (NTC) na i-block ang 30 news website sa bansa.
Ito ang sinabi ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), kasunod ng hiling ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa NTC na harangin ang websites ng affiliated groups at front organizations ng NDF-CPP-NPA.
Ayon sa IBP, maituturing na “drastic” at “shortcut” ang gawain upang patahimikin ang midya.
Habang wala rin anilang sapat na basehan ang hiling dahil nais lang umanong patahimikin ni Esperon ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao at iba pang progresibong grupo.
Kasama sa 30 websites ang; save our schools network, bagong alyansang Makabayan o Bayan, Pamalakaya Pilipinas, bulatlat at Pinoy weekly.