Itinanggi ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na isasailalim ang buong CALABARZON sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon, walang ganung naging desisyon o rekomendasyon mula sa awtoridad.
Sa limang probinsya sa CALABARZON, tanging ang Laguna lamang ang nasa ilalim ng pangalawa sa pinaka mahigipit na lockdown, ang Modified ECQ.